Sako-sakong Bigas, Ibinigay ng People’s Republic of China sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Personal na tinanggap ni Isabela Governor Rodito Albano III ang donasyon na ipinaabot ni People’s Republic of China Consul and Head of Post Zhou Youbin ang 10 tonelada o katumbas ng 200 sako-sakong bigas sa Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, ipapamigay sa mga locally stranded individuals ang nasabing bilang ng mga ibinigay na bigas mula sa China bilang tugon na rin sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

Batay sa ipinadalang liham ni Consul Head Youbin, ang bansang China at Pilipinas ay may magandnag uganayan sa bawat isa sa kabila ng kinakaharap na krisis dahil sa pandemya.


Kabilang din sa mga tumanggap sina Provincial Social Welfare and Development Officer Lucila Ambatali at Provincial Board Member Adrian Philip S. Baysac, Chairperson, Committee on Agriculture.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang gobernador sa bansang China para sa donasyon na bigas na siyang magpapagaan sa mga nakauwing stranded bunsod ng COVID-19.

Facebook Comments