Sako-sakong disinfected na mga damit, pinamahagi ng PCG sa mga nasunugan sa Paco, Maynila

Namahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 150 na sako ng malinis na damit sa mga residente ng Paco, Maynila na nasunugan noong Miyerkules, December 16, 2020.

Isinailalim muna sa disinfection ang mga damit bago isinagawa ang repacking para sa kaligtasan ng mga pamilyang gagamit nito.

Sa harap na rin ito ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.


Sa nasabing sunog, isang 54 taong gulang na babae ang namatay at may ilang nasugatan.

Facebook Comments