Tuloy-tuloy ang Humanitarian Assistance and Disaster Response operations ng mga awtoridad sa mga apektado ng kalamidad sa Davao Region.
Ang bayan ng New Bataan sa Davao de Oro na lubhang naapektuhan ng sama ng panahaon ay nahatiran ng tulong sa pamamagitan ng Tactical Operations Wing Eastern Mindanao at Pamahalaang Panlalawigan.
Nabatid na hirap maabot ang lugar dahil sa landlides at mga pagbaha.
Ayon kay Air Force Public Affairs Office Chief Col. Ma Consuelo Castillo, gamit ang kanilang dalawang Bell 412 CUH helicopter, naisakatuparan ng Philippine Air Force (PAF) ang transportasyon ng 800 sako ng relief goods sa Munisipyo.
Aniya, patuloy silang makikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan sa mga rehiyong apektado ng sama ng panahon upang makapaghatid ng ayuda.