Nilinis at nilimas ang mga basurang palutang-lutang sa mga sakop na kailugan ng ilang barangay sa Dagupan City.
Sa bahagi ng Barangay Bacayao Norte, tulong-tulong ang mga residente sa sa paglilinis ng mga creek at mga drainage system sa kanilang bahagi upang maiwasan na bumara ang mga basura at magkaroon ng mas maayos na daluyan ang tubig ulan o tubig baha.
Maging sa Barangay Calmay, mga barangay officials at mga volunteers ang nagsanib pwersa upang linisin ang gilid gilid ng ilog upang maiwasan na rin ang hindi kaayang-ayang amoy na posible nitong maidulot at mapanatiling malinis ang ilog at kanilang nasasakupan.
Bahagi ang clean up drive tulad nito sa isinusulong ng lokal na pamahalaan na nagbibigay kahalagahan sa kalikasan pati maprotektahan ang mga likas na yamang matatagpuan sa katubigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









