Sakop pa rin ng mga benepisyo ng Philhealth ang mga pasyenteng na-confine sa ospital dahil sa COVID-19 kahit may missed contributions sila

Nilinaw din ni Dr. Shirley Domingo, Vice President for the Corporate Affairs Group ng Philhealth, na dahil sa Universal healthcare, lahat ng Pilipino ay otomatikong miyembro na ng Philhealth

Nangangahulugan aniya ito na Kahit non-member ay pwede nang mag-avail ng kanilang serbisyo bastat magparegister lamang bago madischarge ng ospital para pumasok sa database.

Nilinaw din ni Dr. Domingo sa ginanap na Department of Health (DOH) virtual presser na babayaran pa rin nila ang mga hospital  na may COVID-19 patients , kahit na suspended ang accreditation ng mga ito dahil sa ibat ibang kadahilanan


Sakop don aniya ng PhilHealth benefits ang Covid patients na namatay habang ginagamot sa ospital

Pina-alalahanan din ng PhilHealth ang mga hospital na huwag hihingi  ng advance payments sa mga pasyenteng may COVID-19 dahil sasagutin naman nila ang gastusin

Samantala, kinumpirma ni Health Undersec. Maria Rosario Vergeire na umaabot na sa 39,947 coronavirus tests ang naisagawa ng DOH at ilan aniya dito ay repeat tests.

Ang kamag-anak naman ng mga pasyenteng may Covid ay pinapayuhan ng DOH na humingi ng tulong sa kanilang LGUs para ma-disinfect ang kanilang mga bahay.

Pinayuhan din ni Dr. Vergeire ang publiko na sa panahon aniya ng COVID-19, ay dapat iwasan ang hindi planadong pagbubuntis.

Kinumpirma rin ng DOH na Pinag-uusapan na ngayon ang mungkahing pagbibigay ng minimum hazard pay para sa health care workers sa mga pribadong kumpanya.

Facebook Comments