SAKSAK | Lalaki, sugatan sa pananaksak ng kainuman

Caloocan City – Sugatan ang isang lalaki, matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kainuman kaninang bisperas ng Bagong Taon sa Barangay 176, Bagong Silang North, Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Picayo, 36 na taong gulang residente ng nasabing lugar.

Kwento ng mga saksi, nakikipagkwentuhan ang biktima sa suspek na si Emerson Mateo kasama ang ilang mga kapitbahay.


Nagpaalam si Picayo na naiihi lamang ngunit hindi na ito bumalik.

Nakita na lamang ang biktima sa isang eskenita na may saksak na sa dibdib at may laslas na rin sa leeg.

Sa follow operation ng mga pulis, nahuli nila ang suspek at nabatid na dati na pala itong nakulong sa kasong pagpatay at nakalaya lang dahil sa parol.

Sa ngayon ay inaalam pa ang motibo ng pananaksak ng suspek sa biktima na lango sa alak.

Facebook Comments