SAKSAK | Menor de edad, patay matapos pagsasaksakin

Manila, Philippines – Patay ang isang menor de edad na lalaki matapos na saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Osmeña Highway sa Maynila.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima – may bigla nalang pumasok na lalaki na mukang lasing sa jeep na tinatambayan nilang magkakaibigan.

Aniya sinabi ng lalaki na matutulog siya sa jeep at pinaalis sila nito pero hindi nila ito sinunod.


Pagkatapos nito ay nagka-ayaan kumain ang magkakaibigan pero nagpaiwan ang biktima para matulog.

Dito na aniya sinaksak ng suspek ang biktima na agad namang binawian ng buhay.

Agad namang tumakas ang suspek.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring pananaksak.

Facebook Comments