Manila, Philippines – Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos hamunin ng suntukan na nauwi sa panananaksak ang kinakasama ng kanyang dating live-in partner sa Barangay Pamplona Tres, Las Piñas City.
Nakilala ang biktima na si Mark Villarin, ng Kasaganahan, Block 2c, Kaingin 1, Barangay Pansol, Quezon City.
Agad na naaresto ang suspek na si Arstel Arnaiz, residente ng #2724 Luzviminda Street, Barangay CAA.
Sa ulat, nilusob ng biktima ang bahay ng dating live-in partner na si Riza Balasag kung saan hinamon nito ng suntukan ang suspek na kasalukuyang kinakasama nito.
Sa kalagitnaan ng suntukan ay bumunot ito ng patalim ang suspek saka sinaksak ng ilang beses ang biktima.
Facebook Comments