Saksakyan bumangga sa puno, driver patay

12

General Santos City—Patay ang driver ng isang Toyota Fortuner matapos itong bumangga sa isang puno ng kahoy alas 3:40 ng hapon kahapon sa Diversion Road, Barangay Sinawal, Gensan.

Kinilala ang biktima na si Julius Velasco Gallanes, legal age, residenti ng Soriano Subd., Barangay City Heights Gensan.

Sa initial investigation ng Traffic Management Unit ng Gensan City Police Office napag-alaman na galing ng Gensan Airport ang biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay sa Barangay City Height pero pagdating sa lugar bigla umano itong nawalan ng kontrol sa manebela kaya bumangga sa puno ng kahoy sa gilid ng kalsada.

Sabi naman ng mga nakakita ng insidenti, mabilis ang takbo ng sasakyan ng biktima kung saan nagpagiwang giwang pa ito bago bumangga sa puno ng kahoy.

Wasak ang harapang bahagi ng sasakyan, agad namang dinala sa Mindanao Medical center ang biktima pero binawian din ito ng buhay.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang imbistigasyon ng Traffic management Unit sa nasabing insidenti.

Facebook Comments