SAKUNA | Limang bahay, nasunog sa Camarines Sur

Camarines Sur – Tinatayang aabot sa P400,000 na halaga ng mga ari-arian ang natupok sa nangyaring sunog sa bayan ng Milaor, Camarines Sur.
Nagsimula ang sunog sa kusina ni Daria Rentora at mabilis na kumalat ang apoy dahil sa pawang gawa sa light materials ang bahay.
Nadamay sa insidente ang apat na katabing bahay ni Rentora
Wala naman nasugatan sa insidente pero inabot ng ikalawang alarma ang sunog.

Facebook Comments