Sala ng napatay na huwes sa Maynila, pansamantalang isinara

Ipinag-utos ni Manila Executive Judge Virgilio Macaraig ang pansamantalang physical closure ng Manila Regional Trial Court Branch 45.

Ito ay matapos mapatay sa naturang tanggapan ang mismong hukom sa nasabing sala na si Judge Ma. Theresa Abadilla noong Miyerkules.

Si Judge Abadilla ay binaril mismo ng kanyang Clerk of Court na si Atty. Amador Rebato kung saan nagbaril din sa sarili ang suspek.


Mananatiling sarado ang Manila RTC Branch 45 hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon sa nangyaring krimen.

Habang ang mga kaso naman na nakabinbin sa Branch 45 ay ini-refer muna kay Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa para sa kaukulang aksyon.

Facebook Comments