
Aarangkada na sa Lunes, March 24 ang Joint Salaknib exercise ng Philippine at United States Army.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala, lalahukan ito ng 3,000 sundalo mula sa bansa at 2,000 sundalo mula sa Amerika.
Sinabi ni Dema-ala na nakasentro sa Northern at Central Luzon ang combined training na magsisilbing prelude ng Balikatan exercise.
Nakatutok din aniya sa territorial defense operations at humanitarian civil assistance ang Salaknib exercise ngayong taon.
Samantala, hindi kinumpirma ni Dema-ala kung gagamitin muli sa pagsasanay ang kontrobersyal na Typhon (Mid-Range Capabiltiy) Missile System na inirereklamo ng China.
Matatandaan noong 2024, dinala ng US army sa Luzon ang MRC, pero hindi na ito inalis sa bansa.