Manila, Philippines – Mula sa mga Pilipino, dito nanggagaling ang tunay na kapangyarihan ng ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang reaksyon ng Palasyo ng Malacañang sa inilabas ng Forbes Magazine kung saan makikita na ika 69 na puwesto si Pangulong Duterte sa mga pinakamakapangyarihang tao ngayong 2018.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maraming beses nang sinabi at kinikilala ni Pangulong Duterte na ang tunay na pinagmumulan ng kapangyarihan ng gobyerno ay mula sa mamamayan nito.
Sinabi ni Roque na sa halos dalawang taong panunungkulan ng Adminsitrasyong Duterte ay nagsilbi ang Pangulo sa mamamayan sa pamamagitan ng pagsusulong ng interes ng mga Pilipino.
Ibinida ni Roque ang ilan lamang sa mga nagawa ng adminsitrasyon tulad ng anti-drug war, pagkakaroon ng independent foreign policy, mga pro-poor policies ng administrasyon at iba pang programa na magpapagaan ng buhay ng ating mga kababayan.
Binigyang diin ni Roque na naniniwala si Pangulong Duterte na ang Presidency ay nagmumula at natatapos sa tiwala ng publiko na siyang pinagmumulan ng kapangyarihan nito.
Kaugnay niyan ay una nang sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya pabor na inilarawan siya ng Time Magazine bilang Strong Man dahil hindi siya isang diktador at pabiro pa nitong sinabi na mas bagay sa pangalang strong man ay si Dating PNP Chief at ngayon ay BuCor Chief Ronald Bato dela Rosa.
SALAMAT NA LANG | Pagkakasama ni Pangulong Duterte sa 2018 Most Powerful People, noted lang sa Malacañang
Facebook Comments