SALARIN SA PAGKAWALA NG BAGONG SILANG NA SANGGOL SA ISANG OSPITAL SA LINGAYEN, PANGASINAN, TINUTUNTON NA NG PULISYA

Tinutunton na ng pulisya ang salarin sa pagkawala ng bagong silang na sanggol sa loob ng isang district hospital sa Lingayen, Pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Police Provincial Director PCOL. Arbel Mercullo, tututukan nila ang imbestigasyon at pagtunton sa sino mang kumuha sa sanggol.

Nagkaroon rin ng pag-uusap sa pagitan ng pamilya, pamunuan ng ospital, at hanay ng pulisya ukol sa nasabing insidente.

Ayon sa kanilang kaanak, matagal na umanong hinihiling ng mag-asawa na magkaroon ng anak na lalaki at himalang naipagkaloob pa sa kanila sa edad nilang nasa higit kwarenta anyos.

Umaasa ang pamilya at mga magulang na agarang mahanap at muli nilang makakasama ang kanilang nawawalang sanggol habang nagbigay katiyakan ang hanay ng pulisya na prayoridad ang paghahanap sa sanggol maging sa salarin sa likod ng pagkawala nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments