Hindi dapat panghinaan ng loob ang mga guro sa mga pampublikong paaralan na umaasa sa P10, 000 salary increase.
Ito ang naging pahayag ng Malakanyang matapos madismaya ang Grupong Teachers Dignity Coalition sa nilagdaan Salary Standardization Law ni Pangulong Rodrido Duterte na nagbibigay ng dagdag sahod sa mga kawani ng gobyerno.
Ayon sa grupo, bagama’t nagpapasalamat sila sa increase malayo naman ito sa ipinangakong sampung libong piso na umento sa sweldo ng mga public school teachers.
Inihayag naman ni Presidential spokesman Secretary Salvador Panelo na hindi man matupad ang pangako ng Pangulo ngayong taon, tiniyak naman nitong mangyayari ito bago matapos ang termino ng presidente sa 2022.
Dapat aniyang maitindihan ng mga guro na ang umento sa sahod ay nakadepende sa pondong mayroon ang pamahalaan.