SALARY INCREASE | Bong Go, may magandang balita para sa mga guro

Manila, Philippines – May magandang balita si Special Assistant to the President Bong Go sa mga guro na umaasa sa implementasyon ng salary increase sa lahat ng mga public school teachers sa bansa.

Sa kaniyang pagsasalita sa 24th anniversary ng Commission on Higher Education, sinabi ni Bong Go na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para mapabilis ang pagpapatupad ng salary increase.

Huwag aniya mag alala ang mga guro dahil hindi nawawala sa isip ng Pangulo ang kanilang kalagayan.
Aniya, nakausap niya si Budget Secretary Benjamin Diokno at siniguro na pagkatapos ng implementation ng salary standardization law,isusunod na agad ang salary increase na pasisimulan mula 2020 hanggang 2022.


Hiningi rin ni SAP Bong Go ang suporta ng mga guro para sa Pangulo partikular sa mga programa laban sa kriminalidad at sa iligal na droga.

Facebook Comments