Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na maibibigay sa mga guro ang kanilang umento sa sahod lalo na at kasama ito sa 2021 national budget.
Ayon kay Education Undersecretary Annalyn Sevilla, nasa ₱475 billion ang inilaan para sa personnel services ng kagawaran kabilang ang salary, allowances at iba pang benepisyo ng mga empleyado.
Ang ipatutupad na salary increase sa susunod na taon ay second tranche ng Salary Standardization Law.
Ang budget ng DepEd para sa personnel services ngayong taon ay nasa ₱418.4 billion.
Facebook Comments