SALARY INCREASE | Secretary Roque, binara ni DBM Secretary Diokno

Manila, Philippines – Binara ni Department of Budget Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno si Presidential Spokesman Harry Roque sa pagsasabing mali ang interpretasyon niya sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dodoblehin ngayong taon ang sahod ng mga guro.

Ayon kay Diokno, hindi binanggit ng Pangulong Duterte ang sinabi ni Roque na dodoblehin ang sahod ng 800,000 na guro sa buong bansa.

Aniya, imposibleng madoble ngayong taon ang sahod ng mga guro dahil kung mangyayari ito ay may karagdagang mahigit na 337-billion pesos na pondo ang kailangan ng gobyerno.


Dagdag pa ni Diokno, ngayong taon ay nagsimula na ang dagdag-sahod sa mga guro na nakalaan sa annual budget ng bansa at maging sa susunod na taon ay nakalaan din ang pagtaas ng kanilang sahod.

Isa pang magdadagdag sa take home pay nila ay ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Facebook Comments