Salary Standardization Law Dashboard, inilunsad ng pamahalaan

Ipinag-utos ng pamahalaan ang paglikha ng Salary Standardization Law VI (SSL VI) dashboard.

Ayon kay Department of Budget and Management o DBM Sec. Amenah Pangandaman, ito’y bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na maitaguyod ang transparency, accountability, at mahusay na pamamahala.

Idinisenyo aniya ito upang magbigay ng real-time na datos hinggil sa paglalabas ng pondo na naglalayong mapadali ang monitoring at mas epektibong pangangasiwa rito.


Bahagi rin daw ito ng pangako ng ahensya na may kinalaman sa transparency at bukas na gobyerno.

Ang dashboard para sa salary adjustments ay aktibo na ngayon sa official website ng DBM.

Facebook Comments