Manila, Philippines – Good news sa lahat ng empleyado ng Pamahalaan.
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng kanyang Gabinete na pag-aralan ang susunod na pagtataaas ng sweldo ng mga public servants o 1.5 million government employees.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa 2020 pa masisimula ng pamahalaan ang pag-aaral kung paano at kung magkano ang dapat na itaas ng sweldo ng mga taga-gobyerno.
Paliwanag ni Roque, kailangang tapusin muna ang lahat ng tranches ng Salary Standardization Law o SSL na nakatakdang matapos sa 2019.
Dahil dito ay hindi lang mga Public teachers ang mabibigyan ng benepisyo kundi lahat ng mga nagtatrabaho sa pamagalaan.
Matatandaan na huling itinaas ni Pangulong Duterte ang sweldo ng mga nasa unipormadong hanay ng pamahalaan na nagbigay ng halos dobleng basic pay sa ilan sa mga ito.