Salary Standardization sa mga Barangay Officials, Isinusulong!

*Cauayan City, Isabela-* Isinusulong ni 6th District Cong. Inno Dy ang Salary Standardization na nakapaloob sa Magna Carta para sa mga barangay opisyal kasabay sa pagbibigay ng GSIS coverage at regular na sahod ng mga ito.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Cong. Dy, dating Liga ng mga Barangay President sa bansa at may akda ng House Bill 4324 o Magna Carta for the Barangays, na malaking tulong para sa mga opisyal ng Barangay kung mayroon silang regular na sahod.

Nakapaloob sa Magna Carta for the Barangays na isinusulong ni Dy na taasan ang sweldo ng mga barangay officials, ang mga Punong Barangay ay pinagbibigyan ng katumbas na sahod ng Sagguniang Bayan (SB) members na nasa Salary Grade 24 hanggang 27.


Ang mga Sangguniang Barangay members ay 80%, ang mga Barangay Secretary at Barangay Treasurer ay katumbas naman ng 75% na sweldo.

Sa kasalukuyang sistema, ang mga Barangay officials ay nakakatanggap ng sweldo sa pamamagitan ng honorarium, P1,000 kada buwan para sa Punong Barangay habang P600 kada buwan naman para sa mga Sangguniang Barangay members, Barangay Treasurer at Barangay Secretary.

Kaugnay nito, una nang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng P3,000 Christmas bonus para sa mga barangay officials na ikinatuwa naman ng mga ito.

Facebook Comments