Sale at iba pang marketing events sa mga mall sa ilalim ng GCQ areas, bawal muna ayon sa IATF

Sa layuning maiwasan ang pagdagsa ng publiko sa mga mall na nasa ilalim ng General Community Quarantine.

Ipinagbabawal muna ang pagsasagawa ng sale, marketing events at iba pang aktibidad na paniguradong dadagsain ng tao.

Sa ilalim ng guidelines on the operations of malls & shopping centers in GCQ areas iniuutos din ang paglilimita ng tao sa loob ng mall o isang katao kada two-square meters, babawasan din ang open entrances habang isang companion lamang ang papayagan para sa senior citizen, buntis at pwd at dapat papanatilihin pa rin ang isang metrong physical distancing.


Nililimitahan naman para sa mga senior citizen, buntis at PWDs ang paggamit ng elevator habang sa escalator ay dapat nakatayo sa every other step sa sinumang gagamit o sasakay ditto.

Magkakaroon din ng mga upuan para sa mga naghihintay lalo na sa supermarket at dagdag police visibility.

Ipapako din sa 26° ang temperatura ng aircon sa mall at papatayin ang Wi-Fi.

Facebook Comments