SALES AGENT, ARESTADO SA 2 BILANG NG ATTEMPTED RAPE AT STATUTORY RAPE

CAUAYAN CITY- Hindi na makakapagtago pa sa batas ang tinaguriang top 9 most wanted person matapos maaresto ng mga otoridad sa lalawigan ng Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jeffrey”, nasa wastong edad, at residente ng nasabing probinsya.

Naaresto ang suspek bisa ng warrant of arrest na pinalabas ng isang Presiding Judge ng RTC, Branch 23, Roxas, Isabela sa kasong attempted rape na may inirekomendang pyansa na P120,000 at kasong statutory rape kung saan walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Manuel Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Samantala, ang matagumpay na pagkakakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa pangunguna ng San Manuel Police Station.

Facebook Comments