Sales Agent, Arestado sa kasong Paglabag sa RA 9262!

98

Tumauini, Isabela- Arestado ang isang Sales Agent sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children dakong alas dose kinse ng tanghali kanina, Hulyo 29, 2018.

Kinilala ang akusado na si Darell Baquiran, 29 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Arcon Tumauini, Isabela.


Nadakip si Baquiran matapos magpalabas ng warrant of arrest si hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children.

Samantala, agad namang dinala ang akusado sa himpilan ng PNP Tumauini para sa kaukulang kaparusahan habang pansamantala namang makakalaya ito kung makakapag lagak ng piyansang nagkakahalaga ng 24,000 peso.

Facebook Comments

From Advertisers