Nahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱13,600 ang isang sales attendant na residente ng San Fernando City, La Union matapos maaresto sa isang buy-bust operation sa Bauang, La Union madaling araw ng Enero 8, 2026.
Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Bauang Police Station bilang lead unit, katuwang ang iba pang operatiba, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.
Sa operasyon, narekober mula sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na dalawang gramo.
Bukod sa ilegal na droga, nasamsam din ang iba’t ibang drug paraphernalia na may residue ng hinihinalang shabu, ginamit na buy-bust money, at boodle money.
Isinagawa ang marking at imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng mga itinatakdang saksi at ng suspek, alinsunod sa umiiral na mga patakaran.









