Sales Clerk sa Cagayan, Timbog sa Entrapment Operation sa Mismong Birthday!

314

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga otoridad ang isang sales clerk sa mismong araw ng kaarawan nito (April 14) matapos na mahulog sa kanilang ikinasang entrapment operation sa isang drugstore sa Brgy. Libertad, Abulug, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Lyn Orteza, 23 taong gulang, dalaga at residente ng Brgy. Canayun, Abulug, Cagayan.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, naglatag nang entrapment operation ang PNP Abulug, PDEU, PIU at Provincial Monitoring Hoarding Overpricing Team dakong alas 4:40 ng hapon, April 14, 2020 matapos na makatanggap ng report na may nabebenta ng Alcohol sa higit pa sa SRP.

Nagresulta ito sa pagkakahuli ng suspek matapos na mabentahan ang police poseur buyer ng dalawang (2) piraso ng 500ml Isoprophyl alcohol ng halagang Php800.00 kada isa na lagpas sa itinakdang presyo.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang daang piso at tatlong piraso ng tig-limang daang piso na buybust money.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 11469 (Bayanihan to Heal as One Act), RA 10623 at RA 7394.




Facebook Comments