Sales Representative at Drayber na Nagbebenta ng Sobrang Patong, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang sales representative at drayber sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na pwersa ng PNP Aurora, CIDG Isabela PFU, DTI Isabela, RIU2, IPPO PIB, at Isabela HPT sa Brgy. San Pedro-San Pablo, Aurora, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Eliza Sagabaen, 41 taong gulang, walang asawa, residente ng Brgy. Calao East, at Lorenzo Germino, 55 taong gulang, residente ng Brgy Malvar, ng parehong Lungsod ng Santiago, Isabela.

Matagumpay na naaresto ang dalawa matapos na sila’y kumagat sa pain ng otoridad kung saan nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang isang (1) piraso ng Php1,000.00 na buybust money, limang (5) container ng Ethyl alcohol na naglalaman ng 20 liters kada piraso na ibinebenta sa presyong Php3,800.00 kada container mula sa SRP na Php 3,000.00.


Isang (1) piraso ng container ng ethyl alcohol na naglalaman ng 20 litro, labing siyam (19) na piraso ng isang libong piso na boodle money at isang piraso ng resibo ng limang alcohol na nabili sa transakyon (buybust item) na nagkakahalaga ng kabuuang Php19,200.00.

Wala rin maipakitang mga kaukulang dokumento sa pagbebenta ang dalawang suspek.

Dinala ang dalawang suspek sa tanggapan ng CIDG Isabela para sa karagdagang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments