Sales Supervisor ng STL, Arestado!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ng mga otoridad ang isang Sales Supervisor ng Fair Ways Management and Gaming Corporation matapos maaktuhang nagpapataya ng Small Town Lottery o STL.

Kinilala ang naaresto na si Charlie Nemenzo, 51 anyos, may asawa at residente ng Villa Carmen, Ramon, Isabela.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng PNP Ramon hinggil sa umano’y may nagpapataya ng STL at sa pagresponde naman ng mga pulis ay naaktuhan si Nemenzo na may hawak na STL Paraphernalia at pera na nakolekta sa pagpapataya.


Dahil dito ay inaresto si Nemenzo at dinala sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments