Saleslady at Binata, Huli sa Drug Buybust Operation!

251

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kulungan ang dalawang tulak ng droga matapos maaresto sa ikinasang Drug Buybust Operation ng mga otoridad sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Unang naaresto sa drug buy bust operation sa Burgos St., Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela si Camille Ignacio, 33 anyos, walang asawa, saleslady at residente ng Brgy. Rizaluna, Alicia, Isabela.


Nakuha sa pag-iingat ni Ignacio ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang libong (P1000) piso na marked money.

Si Ignacio ay kabilang sa DI list ng PDEA na matagal nang minamanmanan ng mga otoridad.

Nasa kustodiya ng himpilan ng pulisya ang suspek maging ang nakumpiskang droga para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Samantala, nadakip din sa drug buy bust operation ang 18 anyos na lalaki na si Elesaiah Mangati, binata at residente ng Brgy Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Sa isinagawang transaksyon ng mga otoridad sa Brgy Calamagui 1st ay nabili sa suspek ang isang (1) folded paper na naglalaman ng tuyong dahon ng Marijuana.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang P300 na buybust money at isang (1) unit ng cellphone.

Ang dalawang naaresto ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments