Salesman, Hinoldap ng Riding in Tandem!

272

Cauayan City, Isabela- Naholdap ng hindi pa nakikilalang riding in tandem na suspek ang isang salesman pasado ala una ng hapon kahapon sa Velasco Subd. Brgy San Fabian, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Rocky Menor, 30 anyos, may-asawa, salesman ng isang pribadong establisyimento at residente ng Brgy Cado, Ilagan City, Isabela.


Lumabas sa imbestigasyon ng PNP Echague, habang pababa mula sa kanyang sasakyan ang biktima ay biglang dumating ang mga suspek lulan ang itim na Yamaha Sniper.

Bumaba mula sa motorsiklo ang backrider at agad na tinutukan ng baril ang biktima at nagdeklara ng holdap.

Sa takot ng biktima ay agad na ibinigay ang hawak na bag na naglalaman ng isang unit ng cellphone, pera na nagkakahalaga ng mahigit kumulang (P20,000.00), pitaka na naglalaman ng kanyang driver’s license at mga mahahalagang ID.

Agad namang umalis sa di matukoy na direksyon ang mga suspek matapos ang panghoholdap.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa agarang pagkakakilanlan at pagkakahuli ng mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers