Salesman, Huli sa Kasong Pagnanakaw!

115

*Alicia, Isabela- *Arestado ang isang salesman na wanted sa kasong Qualified Theft matapos masilbihan ng warrant of arrest sa Brgy. Victoria, Alicia, Isabela.

Nahuli ganap na alas 10:00 ngayong umaga ang akusado na kinilalang si Teofisto Telan Jr., 39 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy Victoria, Alicia, Isabela sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ng RTC Br 23, Roxas, Isabela.


Si Telan Jr. ay mayroong kaso na Qualified Theft na may kaukulang piyansa na P40,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa Alicia Police Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers