Salesman, Timbog sa Kasong VAWC sa Diffun, Quirino!

*Cauayan City, Isabela- *Sa kulungan ang bagsak ng isang salesman matapos maaresto sa kasong Violence Against Woman and Children o VAWC sa Barangay Rizal, Diffun Quirino

Sa ipinarating na ulat ni P/Maj.Victoriano Yarcia Jr., hepe ng Diffun, Quirino sa 98.5 iFM Cauayan, ang naaresto ay nakilalang si Eligio Lacerona, 32-anyos, may-asawa at salesman ng isang pribadong kumpanya at residente ng Barangay Rizal, Diffun Quirino

Sa inisyu ni Hukom Raul Babaran ng Branch 19, Cauayan City na alias warrant of arrest sa kasong R.A 9262 o VAWC laban kay Lacerona ay naaresto ito ng pulisya.


Posibleng makalaya lamang si Lacerona kung makapaglagak siya ng P72,000 sa kinakaharap na kasong VAWC.

Facebook Comments