SALISI GANG | 2 turistang Hapon, nabiktima

Manila, Philippines – Nabiktima ng salisi gang ang dalawang turistang Hapon sa Malate, Maynila.
Magche-check in sana sa isang hotel ang mga dayuhan nang sundan at pagnakawan ang mga suspek na kinabibilangan ng isang lalaki at tatlong babae.

Natangay sa mga biktima ang isang pouch na naglalaman ng 250,000 pesos cash, passport, at mga ID.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.


Facebook Comments