Amerika – Isasama na sa susunod na dictionary ng publisher na Collins, ang salitang “Fake News.”
Ito ay matapos tanghalin bilang “Word of the Year” ang Fake News, ng nasabing dictionary publisher.
Nabatid na tumaas sa 365 percent ang mga gumagamit ng salitang “Fake News”.
Mas naging patok din ang nasabing salita kay US President Donald Trump sa tuwing aalmahan ang inilalabas na balita ng media.
Sa Pilipinas, lumaganap na rin ang pagsasabi ng “Fake News” sa tuwing may ilang balitang kumakalat na kung minsan ay sa social media lamang daw ang source.
Noong nakaraang taon, ang salitang “Brexit” ang word of the year ng Collins, na nangangahulugang pagkalas ng United Kingdom sa European Union.
Facebook Comments