Saliva-based COVID-19 test na ginawa sa Yale University, inaprubahan na ng US FDA

Inaprubahan na ng US Food and Drugs Administration ang saliva-based COVID-19 test na ginawa ng mga researchers ng Yale University.

Ito ay ang Salivadirect kung saan ang laway ng isang tao ang ginagamit para malaman kung positibo ito sa COVID-19.

Paglilinaw naman ng US FDA, na para sa emergency purpose lamang ito gagamitin.


Ang Salivadirect ay pumapantay ng 88% hanggang 94% sa mga isinasagawang nasopharyngeal swab at ilang mga saliva testing methods.

Facebook Comments