Nanindigan ang Philippine Red Cross (PRC) na ang saliva reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test ay epektibo bilang nasopharyngeal swab test.
Ayon kay PRC Molecular Laboratory Head Dr. Paulyn Ubial, nakasaad sa New England Journal of Medicine, ang saliva test ay mayroong 99-percent specificity rate na mahahalintulad sa RT-PCR swab test.
Ang saliva test ay mayroong 83% sensitivity rate, hindi nalalayo sa nasal swab test na nasa 84%.
Panawagan naman ni PRC Chairperson Senator Richard Gordon sa pamahalaan na magkaroon ng ‘sense of urgency’ sa pagpapatupad ng RT-PCR saliva testing.
Marami na aniyang bansang gumagamit nito kabilang ang Israel, Japan, Hong Kong, United Kingdom, Australia at Thailand.
Facebook Comments