Manila, Philippines – Hindi nagsumite ng kanyang Statement of Asset, Liabilities, and Net worth (SALN) si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Justice Committee Chairman Rey Umali, walang nai-file na SALN si Sereno sa Office of the Ombudsman mula sa notice na natanggap ng kanyang komite sa anti-graft body.
Sinabi ni Umali na base sa kanyang natanggap na impormasyon, kahit ang 2002 SALN ni Sereno na natagpuan sa file ng UP Diliman ay wala din sa Office of the Ombudsman.
Hinihingi sa Ombudsman ang SALN ni Sereno mula 2000 hanggang 2009.
Ang Judicial and Bar Council (JBC) ay isinubpina din ng Justice Committee para isumite ang naihain ni Sereno na SALN bilang bahagi ng requirement sa JBC.
Pero, hanggang ngayon ay wala pang pag-comply na ginagawa ang JBC gayong magtatapos na sa araw na ito ang 72 hours na kanilang ibinigay na palugit dito.
Kung hindi susunod ang JBC ay mapipilitan silang isyuhan ito ng show cause order.
SALN | CJ Sereno, hindi nagsumite
Facebook Comments