SALN | Dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, iniimbestigahan ng Ombudsman

Manila, Philippines – Iniimbestigahan ng Ombudsman ang presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ito ay kaugnay sa umano ay hindi idineklarang yaman sa Statements of Assets, Liabilities and Networths (SALN).

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, pinangungunahan ni Deputy Ombudsman Cyril Ramos ang preliminary investigation.


Muli ring nilinaw ni Morales na matagal na siyang nag-inhibit sa anumang imbestigasyon na may kaugnayan sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nabatid na ang pamangkin ni Morales na si Atty. Manases Carpio ay asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Facebook Comments