SALN | Isang BIR officer, pinagmulta ng korte

Manila, Philippines – Pinagmulta ng korte ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa kabiguan na ideklara sa kaniyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ang kaniyang kumpletong ari-arian.

Sa desisyong ipinalabas ni Judge Evangeline Cabochan-Santos ng Municipal Trial Court (MTC) in Cities, Branch 2 sa Antipolo City, napatunayang guilty si BIR Officer III Caesar Cortes sa three counts ng violation of Section 8, in relation to Section 11 of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Nag-ugat ito sa kabiguan ni Cortes na isumite ang detalyadong business interests at financial connections sa kaniyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula taong 2008 hanggang 2010.


Sa ilalim ng Section 8 ng R.A. No. 6713, minamanduhan ang lahat ng public officials at mga empleyado na ideklara ang kanilang assets, liabilities, net worth at financial at business interests.
Sinumang mabigong tumugon dito ay may mahaharap sa pananagutang kriminal.

Facebook Comments