Manila, Philippines – Hindi nawawala ang walong SALN o Statement of Assets and Liabilities and Net Worth ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. ang malinaw, wala talaga itong na file na SALN.
Ito ang natuklasan ni Atty. Larry Gadon ,ang complainant sa Impeachment complaint ni Sereno.
Batay sa records ng UP kung saan na empleyado si Sereno bago naitalagang punong mahistrado, tanging ang 2002 SALN lamang niya ang kanilang nakitang na ka file.
Mula taong 2001 hanggang 2009 ang SALN na ipinasu-subpoeana duces tecum ng House committee on Justice.
Dahil dito, ipinakukuha na rin ng House committee on Justice ang SALN records ni Sreno sa Judicial and Bar Council.
Ayon sa testimonyo ni Associate Justice Teresista de Castro, nang mag apply silang SC justice, ni require silang isubmit ang SALN nila sa nakalipas na taon.
Gayunman, napag alaman ni Gadon na kahit sa JBC ay walang na file na kumpletong SALN si Sereno.
Batay sa complaint ni Gadon, itinago o hindi idineklara sa SALN ni Sereno ang 37 million pesos na kinita niya noon sa Philippine Interational Air terminal o PIATCO.
Dahil dito, balak idemanda ni Gadon ang mga kawani ng JBC dahil sa kapabayaan na maikumpleto ang requirement sa SALN ng Chief Justice.