SALN ng mga kongresista, inilabas na ng Kamara

Manila, Philippines – Inilabas na ng Mababang Kapulungan ang Summary ng Statement of Assets, Liabilities, and Networth ng mga kongresista para sa taong 2016 kung saan dalawang kongresista ang idineklarang bilyonaryo.

Nanguna sa pinakamayayamang miyembro ng Kamara si 1-Pacman PL Rep. Michael Romero kung saan idineklarang nito ang yaman na aabot sa 7 Bilyong piso.

Sunod na pinakamayamang kongresista ang misis ni DPWH Sec. Mark Villar na si Diwa Pl Rep. Emmeline Aglipay-Villar na may net worth na P1.4Billion.


Kabilang rin sa top 10 richest lawmakers sina Negros Occidental Rep. Albee Benitez, 942M; Ilocos Norte Rep. at dating first lady Imelda Marcos, 917M; dating Speaker at Quezon City Rep. Sonny Belmonte, 852M; Manila Teachers Pl Rep. Virgilio Lacson, 768M;

Pampito sa pinakamayaman na kongresista si dating MMDA Chairman at Marikina Rep. Bayani Fernando,738M; pangwalo si Batangas Rep. Vilma Santos-recto, 522M; pangsiyam si Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo, 491M; at pang-sampu naman si Leyte Rep. Yedda Marie Romualdez, 477M.

Deklarado naman sa SALN ni Speaker Pantaleon Alvarez ang yamang 86.5M; kay Majority Leader Rodolfo Fariñas, 169M; at kay Minority Leader Danilo Suarez, 177M.

Sa 294 na mga myembro ng Kamara, 6 lang ang hindi milyonaryo kabilang sina Act Teachers Pl Rep. France Castro na may 904k networth; Coop Natcco Rep. Sabiniana Canama, 780k networth; Kalinga Pl Rep. Abigail Ferriol, 672k networth; Gabriela Rep. Arlene Brosas, 501k networth; Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado 179k networth, at Kabataan Rep. Sarah Elago, na may 50k na yaman.

Facebook Comments