SALN ni Chief Justice Sereno, ipinasusumite sa Kamara

Manila, Philippines – Hiniling na rin ng House Committee on Justice na ipa-subpoena ang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ay para makita kung totoo na hindi tama ang pagdedeklara ng SALN ng Punong Mahistrado.

Sa nagpapatuloy na pagdinig sa pagdetermina ng probable cause sa impeachment case ni Sereno, sinabi ni Justice Committee Vice Chair Henry Oaminal na 13 Million lamang ang deklaradong SALN ng Chief Justice noong 2010.


Hindi kasama sa 2010 SALN ang 30 Million pesos na kinita nito noon sa PIATCO case mula ‎2004-2009.

Para sa kongresista, mabigat na paratang ito kay Sereno dahil ito ang SALN ang naging dahilan para mapatalsik ang dating Chief Justice Renato Corona.

Pero, pinuna ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na hindi tinukoy ni Atty. Larry Gadon sa kanyang reklamo kung anong taon sa SALN ni Sereno hindi nagdeklara ng kinita nito sa PIATCO.

Sinabi naman ng Vice Chairman din ng Justice Committee Cong. Ching Veloso na ipinasusumite ang lahat ng SALN ni Sereno para gawing basehan at maikumpara sa reklamo ni Gadon.

Facebook Comments