Manila, Philippines – Nagpaalala si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa lahat ng government officials at mga empleyado na mag-hain na ng kani-kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) bago sumapit ang April 30, 2018.
Ayon kay Morales, responsibilidad ito ng lahat ng mga kawani ng gobyerno.
Aniya, ang mga mabibigong maghain ng kanilang SALN ay maaaring masuspinde sa trabaho ng mula isa hanggang anim na buwan sa first offense at pag-dismiss sa trabaho sa second offense.
Maaari rin aniyang bawiin ng pamahalaan ang kanilang mga ari-arian at yaman.
Facebook Comments