Salpukan ng 2 Motorsiklo, 1 Patay; 1 Sugatan!

437

Cauayan City, Isabela- Binawian ng buhay ang isang construction worker matapos makipagsalpukan sa kasalubong na motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Dalakip, Angadanan, Isabela.

Kinilala ang nasawi na drayber ng Euro single motorcycle na may temporary plate no. 0201-0689159, na si Joel Saldo, 42 taong gulang, walang asawa, residente ng Brgy. San Fernando, Alicia, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, patungong bayan ng Alicia ang biktima at nang makarating sa pakurbang bahagi ng daan ay sumalpok ito sa kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Jonh Lloyd Caneta, 25 taong gulang, binata, at residente ng Brgy. Antonino, Alicia, Isabela.


Sa tindi nang salpukan ng dalawang motorsiklo ay nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at ulo ang dalawang drayber na agad namang dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival (DOA) si Saldo.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang nasangkot na motorsiklo para sa tamang disposisyon habang kasalukuyang nagapagaling sa ospital si Caneta.

Facebook Comments