Salpukan ng 2 Motorsiklo, Isa Patay; Isa Sugatan!

*Tumauini, Isabela- *Patay ang isang binata makaraang salpukin ng motorsiklo sa Pambansang lansangan ng Brgy. Liwanag, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Manuel Turingan, nasa tamang edad, residente ng Brgy. San Mateo, Tumauini, Isbaela habang ang suspek at driver ng Honda XRM 125 ay si Roberto Villaflor, 53 anyos at residente naman ng Brgy. Minanga, Tumauini, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), patungong north direction ang suspek nang dumating ang isang motorsiklo na minamaneho ng biktima mula sa right shoulder lane patungong west direction.


Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng suspek ay hindi nito napansin ang bumabagtas na motorsiklo kaya’t nasalpok nito ang biktima.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan si Turingan matapos tumilapon sa daan maging ang suspek.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ito ng buhay.

Napag-alaman na positibo sa alak ang suspek na kalauna’y inilipat sa CVMC para sa kanyang kaukulang lunas.

Nahaharap ngayon sa kasong Homicide and Damage to Property si Roberto Villaflor.

Facebook Comments