Salpukan ng Dalawang Motorsiklo, Isa Sugatan

Cauayan City, Isabela – Sugatan ang isang drayber ng Honda XRM 125 matapos makipagsalpukan sa isa pang Motorstar Single Motorcycle sa Barangay Road Lucas St. Sanfermin.

Kinilala ang may-ari ng Honda XRM na si Felipe Ramos Andana, 38 anyos, at residente ng Panaga St. San Fermin Cauayan City samantala, ang may-ari naman ng Motorstar single motorcycle ay kinilalang si Angelo Felix Tomas 20 anyos, residente ng Barangay San Manuel Nagulian, Isabela.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagmamaneho umano si Andana papuntang Luna Isabela habang si Tomas naman ay patungong Poblacion Cauayan ng bigla itong pumihit pakaliwa at aksidente namang bumangga sa minamanehong motor ni Andana.


Napag-alaman din sa imbestigasyon na walang lisensya si Tomas sa kanyang pagmamaneho.

Agad namang isinugod sa Isabela United Doctors Medical Center (IUDMC) si Andana upang mabigyan ng paunang lunas samantalang nakipag-areglo naman ng maayos si Tomas at nangakong sasagutin ang mga gastusin ng kanyang nabangga.

Facebook Comments