Salpukan ng Motorsiklo at Tricycle, Tatlo Sugatan!

San Mariano, Isabela – Sugatan ang tatlong katao sa naganap na salpukan ng motorsiklo at Tricycle sa pambansang langsangan ng Brgy. Brgy. Alibaddabad, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang biktima at driver ng motorsiklo na si Romulo Rabang Valeros, 17 anyos, binata, residente ng Brgy. Disulap, San Mariano, Isabela habang kinilala naman ang suspek at driver ng Tricycle na si Robert Alberto Tuliao, 27 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. San Jose, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, magkasalungat na binabaybay ni Valeros at Tuliao ang pambansang lansangan at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay umagaw sa linya si Romulo at aksidenteng nasalpok ang kasalubong na Tricycle.


Sa lakas ng impak ng banggaan ay nagtamo ng malubhang sugat ang biktima na agad rin na isinugod sa pagamutan para sa kanyang kaukulang lunas.

Dinala rin sa pagamutan ang dalawang pasahero ng Tricycle na sina Michelle Laggui at EJ Ramos kapwa residente ng Brgy. San Jose, San Mariano para sa kanilang karampatang lunas.

Nasa PNP San Mariano na ang dalawang behikulo para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments