Salpukan ng Motorsiklo at Trycycle, Dalawa Sugatan!

Gamu, Isabela- Sugatan ang dalawang lalaki matapos magsalpukan ang kanilang minamaneho pasado alas singko ng hapon ngayong araw, Hunyo 4, 2018 sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Jovel Andres, 35 anyos, may-asawa, drayber at residente ng Brgy. Songsong, Gamu, Isabela habang ang isa pang sugatan ay kinilalang si Mark Laurence Balimbin, 21 anyos, college student at residente naman ng Brgy. San Vicente, Quirno, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan sa PNP Gamu, parehong binabaybay nina Andres ang pambansang lansangan lulan ang kanyang minamanehong traysikel at ni Balimbin lulan naman ang kanyang minamanehong motorsiklo nang umikot pakaliwa si Andres subalit nabangga ito ng paparating na motorsiklo ni Balimbin.


Sa lakas na impak ng banggaan ay parehong nagtamo ng sugat sa katawan sina Andres at Balimbin na agad namang isinugod sa Ilagan City Provincial Hospital para sa kanilang karampatang lunas.

Sa ngayon ay iimbestigahan pa ng kapulisan kung sino ang responsable sa naturang insidente.

Facebook Comments