Salpukan ng Traysikel at Elf, Isa Sugatan

Naguilian, Isabela-  Kasalukuyang nagpapagaling na sa Ilagan City Provincial Hospital ang drayber ng isang traysikel matapos magtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa naganap na salpukan ng  traysikel at Isuzu Elf sa Barangay Magsaysay, Naguilian kahapon, Pebrero12, 2018.

Kinilala ang biktima at may-ari ng traysikel na si Teodoro Agtarap Jr., 51 anyos, may asawa, at residente ng  Barangay Quirino, Naguilian, Isabela samantalang ang drayber naman ng Isuzu elf ay nakilalang si Louie Mark Narciso, 29 anyos, walang asawa at residente ng  Brgy. Villa Magat, San Mateo, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ni PO2 Charlie Capuchino sa RMN Cauayan News Team, binabaybay umano ni Narciso ang Brgy. Magsaysay patungong Cauayan City habang nasa kasalungat na direksyon naman si Agtarap, ng aksidenteng magkasalpukan ang dalawa sa kurbadang bahagi ng daan.


Dinala ang Isuzu Elf sa kustodiya ng PNP Naguilian kasama si Narciso upang imbestigahan at kuhanan ng pahayag.

Muli namang nagharap kanina ang magkabilang panig at napagkasunduang sasagutin ni Narciso ang bayarin sa pagpapagamot ni Agtarap.

Tags; Luzon, Cauayan Isabela, Naguilian, PNP Naguilian, COP Francisco Dayag, PO2 Charlie Capuchino, RMN Cauayan, DWKD 98.5

Facebook Comments