Salpukan ng Tricycle at Motorsiklo, Isa Patay, 3 Sugatan!

2767

*Ramon, Isabela- *Patay ang isang lalaki habang tatlo ang sugatan sa naganap na salpukan ng motorsiklo at tricycle pasado alas nuebe kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Oscariz, Ramon, Isabela.

Kinilala ang nasawi at driver ng motorsiklo na si Ronie Rafael, 27 anyos residente ng Purok 7 Brgy. Burgos Ramon, Isabela habang ang suspek at driver ng tricycle ay kinilalang si William Palomares, 49 anyos, construction worker at residente naman ng Purok 1, Burgos, Ramon, Isabela.


Batay sa impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), parehong binabaybay ng motorsiklo at tricycle ang lansangan patungong Santiago City at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay biglang lumiko sa kanang direksyon ang tricycle at hindi naman agad napansin ng sumusunod na motorsiklo.

Sa resulta, sumalpok ang motorsiklo sa Tricycle kung saan nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang driver ng motorsiklo maging ang back rider nito na si Edison Marcelo, 25 anyos, magsasaka at residente rin ng Brgy. Burgos Ramon, Isabela.

Sugatan rin ang driver ng Tricycle maging ang sakay nito na kinilalang si Eddie Boy Carcueva.

Agad namang isinugod ng Rescue 316 sa pagamutan ang mga sugatan subalit idineklarang dead on arrival si Ronie Rafael.



Nasa pag-iingat na ng PNP Ramon ang suspek maging ang mga sangkot na behikulo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Facebook Comments